SURIIN MABUTI ang chart. Parang number 2 si Mar yun pala dahil marami shang NEGATIVE COMMENTS (na hinalo sa positive comments) *****
Hindi katakataka na mataas ang views ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga Presidential candidates sapagkat sha naman talaga ang NUMBER 1 sa social media. Pero ito namang si dating Senador na si Mar Roxas ang pungalawa sa binanggit ng mga kasali sa ABSCBNNews Facebook fan page. Lumalabas na NANGUNGUNA si Digong sa poll survey at tama lang naman yon sapagkat Duterte ang LAGING NILALAMAN ng Facebook. Milyonmilyong tagasuporta ni Presidential candidate Duterte ay arawaraw na nagpoPost, Like, Comment, Share at Invite Friends kaya katanggaptanggap ang 59% na nakuha nya. Ang problema ay sa PUMAPANGALAWANG si Mar Roxas. Sa aming pananaw, tumaas ang pigura ni Mar sapagkat MARaming GALIT sa kanya. Lahat nuong nagbigay ng NEGATIBONG KOMENTO ay nakaani para kay Mar ng PUNTOS sapagkat wala namang pagkakaiba ang MENTION kung positibo man ito o negatibo. Hindi kagaya ng YouTube kung saan may LIKE at may DISLIKE din, maliwanag kung ilan ang PABOR at ilan din ang GALIT sa nagPost o nilalaman ng Post. Dito sa ABSCBNNews statistics, NAPATAAS ang pigura (ng may gusto) ni Mar sapagkat nakahalo ang SUMANGAYON sa kanya sa mga KUMONTRA sa kanya. Naapektuhan ang relatibong katayuan ni Duterte sapagkat lumalabas na may NAKAKADIKIT sa kanya sa pagkatao ni Mar Roxas (bagamat 17% ang diperensha nila). Naapektuhan din si Senadora Grace Poe at Vice President Binay sapagkat kung binawas ang NEGATIVE COMMENTS sa POSITIVE COMMENTS (sa mga pigura ni Digong, Mar, Grace at VP), mas malamang na si Grace ang PUNGALAWA at si VP naman ang PUMANGATLO sapagkat lagi namang KULELAT si Mar sa mga survey. Hindi namin sinasabing SINADYANG pataasin ang mga pigura ni Mar ngunit kailangan pa ng mas masusing pagaaral sa mga pigura bago natin malaman ang puno’t dulo ng PIE CHART. Ang mga larawan o CHART kasi ay dapat PADALIIN o PALINAWIN ang mga isyu o resulta ng pananaliksik. Ito namang PIE CHART na ito ay nagbibigay ng MALAKING DAAN para sa PAGKALITO sapagkat sa UNANG TINGIN mukhang PUMAPANGALAWA si Mar sa survey maski pa kapag binawas ang NEGATIBO sa mga POSITIBONG kumento, mas malamang kaysa sa hindi na PANG APAT o KULELAT si Mar sa mga may tsansa pang magwagi (sapagkat out na si Miriam). Ang CHART na ito ay dapat SELF-EXPLANATORY. Ibig sabihin sapat nang tingnan ang chart at alam na natin ang gustong ipahiwatig kaysa magbasa pa tayo ng MAHABANG KASULATAN. Sapagkat kailangan pa ng PAGLILINAW ang CHART na ito, nangangahulugan na maaring HINDI TAMA ang magiging interpretasyon ng mga pangkaraniwang makakakita nito. Sadya kayang nililito ang taumbayan sa pamamagitan ng MAPANLINLANG na Chart o hindi lang nasuri ng ABSCBNNews ang IMPLIKASYON ng kanilang MALING CHART?