Binibining Pilipinas Intercontinental 2018 Karen Gallman. Bohol Province. Filipina – Australian. Advocates for education. An avid traveler. Karen worked as an operations analyst in a company in London.
#Philippines #Australia #Beautiful Philippines
Binibining Pilipinas Intercontinental 2018 Karen Gallman. Bohol Province. Filipina – Australian. Advocates for education. An avid traveler. Karen worked as an operations analyst in a company in London.
#Philippines #Australia #Beautiful Philippines
Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez is off to Sanya, China for the Miss World 2018 pageant.
#MissPhilippines #MissWorldPhilippines #ItsMoreFunInThePhilippines #BeautifulPhilippines
Dalawang magkaibang okasyon ang dinaluhan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Kuya Bong Go sa Tanza, Cavite ngayong araw, November 22.
Sa unang okasyon kung saan inagurahan ang Cavite Gateway Terminal (CGT), hinimok ni Tatay Digong ang mga dumalo na suportahan si Kuya Bong sa kandidatura nito bilang senador. Pinasalamatan at kinomendahan din nito ang mga masisipag nating manggagawa sa kanilang pagtatayo sa CGT na itinuturing na kauna-unahang container barge port terminal sa bansa.
Sinabi rin nito na hindi niya tinotolerate ang korupsyon at patunay dito ang nangyari sa Nayong Filipino kung saan napakaraming opisyal ang sinibak nito dahil sa katiwalian. Winarningan din ni Tatay Digong ang mga pulis na lumalabag sa batas. Aniya, sisibakin din niya ang mga pulis na mapapatunayang lumalabag sa batas na dapat nilang pinorotektahan.
Dumalo rin ang dalawa sa ika-35 na anibersaryo ng Army Reserve Command na ginanap sa Camp General Mariano Riego de Dios kung saan sinabi ni Tatay Digong sa mga sundalo na maging responsable sa tungkulin at mapagmatyag sa kanilang kapaligiran. Pinaaalalahanan din ni Tatay Digong ang mga ito na ang kanilang katapatan ay dapat sa watawat ng Pilipinas at huwag maging abusado ng batas.
Alam ni Tatay Digong, Kuya Bong at ng buong sambayanan ang sakripisyo ng kasundaluhan na ginagawa para sa bansa. Patuloy po sana nating suportahan sina Tatay Digong at Kuya Bong na walang ibang hangad kundi magbigay ng serbisyong TATAK DUTERTE sa lahat ng Pilipino!
Comments on photo
Kinomendahan ni Kuya Bong Go ang mga registrars ng bansa na itinuturing na “keepers of land” sa pagdalo nito sa National Convention of Registrars and Deputy Registrars of Deeds of the Philippines sa Seda Hotel, Quezon City ngayong araw, November 20.
Sa kanyang speech, binigyang diin ni Kuya Bong ang kahalagahan ng mga titulo ng lupa para sa mga Pilipino. Naibahagi rin nito ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng land ownership sa mga tribo katulad ng sa Boracay na 3.1 hektarya ng lupa para sa 48 na miyembro ng Ati tribe.
Nasabi rin ni Kuya Bong na masidhi pa rin ang kagustuhan nitong magbigay ng serbisyong Tatak Duterte kahit na isa na itong private citizen. Pinaalalahanan din niya ang mga opisyal ng gobyerno na maging tapat sa kanilang trabaho dahil zero-tolerance ang Pangulo sa korupsyon.
Masigabong palakpakan naman ang natanggap ni Kuya Bong nang nasabi nito na pag-aaralan niya ang standardization ng sweldo ng mga registrars.
Matapos nito, nakatanggap ng plaque of appreciation si Kuya Bong mula sa mga organizers. Nagkaroon din ito ng photo-op kasama ang mga attendees sa stage.
Maraming salamat po sa ating mga registrars sa inyong suporta kay Kuya Bong. Makakaasa po kayo na sa pagseserbisyo ni Kuya Bong na TATAK DUTERTE, asahan po ninyong walang mapag-iiwanang Pilipino. Kaya naman sama-sama po sana nating suportahan si Kuya Bong sa darating na eleksyon!
#BongGo #Duterte #SultanKudarat #MalasakitCenter #BongGoNaTayo #GoBongGo #TatakDuterte #HupongNgPagbabago #TapangAtMalasakit
Isang bagong Malasakit Center na naman ang handang magsilbi sa mga Pilipino sa pagbubukas ng bagong opisina nito sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) na pinangunahan ni Kuya Bong Go ngayong araw, November 19, sa Cotabato City.
Nagkaroon ng unveiling of marker at nagsalita rin si Kuya Bong sa harap ng lahat ng dumalo sa okasyon. Sinabi nito na ang Malasakit Center ay isang one stop shop kung saan pinag-isa na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na makapagbibigay ng medical assistance sa mga mahihirap na pasyente. Prayoridad din ng mga ito ang mga senior citizens at PWDs. Sa kanyang speech, sinabi ni Kuya Bong na titignan nito ang pagtataas sa sweldo ng mga nurse sa bansa.
Naibahagi rin nito ang kanyang legislative agenda gaya ng pag-amiyenda ng Juvenile Justice Law at mga polisiya patungkol sa housing, education, agriculture at localized peace talks upang maitaguyod ang kapayapaan sa bansa. Titignan din ni Kuya Bong ang pagtatatag ng Department of OFWs na tatayong one-stop shop para sa lahat ng mga serbisyo para sa ating OFWs.
Matapos ang programa, binisita ni Kuya Bong ang mga pasyenteng kakapanganak lang sa ward ng ospital. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil nabisita sila ni Kuya Bong at namigay naman ng konting handog si Kuya Bong sa kanila. Ang mga handog na ito ay galing sa mga kaibigan at taga-suporta ni Kuya Bong. Sinabi rin nito sa mga pasyente na mayroon nang Malasakit Center na kayang tulungan sila sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa usaping bayarin sa ospital.
Habang palabas ng ward, nakita niya ang mga nakapilang pasyente. Dito sinabi ni Kuya Bong na gagawan niya ng paraan na madagdagan ang bed capacity ng CRMC at ng mga ospital sa buong bansa lalo na kapag nahalal ito bilang senador.
Nagtungo naman si Kuya Bong sa City Hall ng Cotabato upang makapulong ang mga opisyal ng siyudad at mga barangay officials. Ibinahagi nito na malaki ang papel ng lokal na gobyerno lalo na ang mga barangay sa pagsulong ng mga programa ni Tatay Digong dahil sila ang pinakamalapit sa taumbayan.
Nang paalis naman si Kuya Bong sa Cotabato City Hall, napansin niya ang mga senior citizens na nagpupulong sa lobby at naghihintay ng kanilang monthly allowance. Hindi pinalampas ni Kuya Bong na ibahagi ang hangarin at mga benepisyo ng Malasakit Center. Sinabi rin nito kung paano nila magagamit ang mga serbisyo ng Malasakit Center.
Maraming salamat po sa mga taga-Cotabato sa kanilang mainit na pagtanggap kay Kuya Bong. Asahan po ninyong itutuloy niya ang serbisyong TATAK DUTERTE para tuluy-tuloy na rin ang ating inaasam na pagbabago!
#BongGo #Duterte #SultanKudarat #MalasakitCenter #BongGoNaTayo #GoBongGo #TatakDuterte #HupongNgPagbabago #TapangAtMalasakit
Tuloy-tuloy ang Tatak Duterte na serbisyo para sa mga Pilipino dahil sa araw na ito, November 19, isa na namang Malasakit Center ang naipatayo sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan, Sultan Kudarat. Sa pangunguna ni Kuya Bong Go, nag-unveil muna ng Malasakit Center marker sa mismong ospital at napanood ni Kuya Bong ang turnover ng tseke mula sa Office of the President para sa ospital.
Ayon kay Kuya Bong, ang Malasakit Center na ito ang magbibigay ng “Serbisyong Malasakit” para sa mga taga-Sultan Kudarat na dapat lamang matanggap ng bawat Pilipino. Ang Malasakit Center ay isang one stop shop kung saan pinag-isa lahat ng ahensya ng gobyerno na makapagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pasyenteng nangangailan nito. Ang mga ahensyang tumutulong sa Malasakit Center ay ang PhilHealth, Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Dahil sa Malasakit Center, wala ng mga mahahabang pila at dokumento na kailangan ayusin. Prayoridad din ng Malasakit Center ang mga mahihirap, senior citizens at PWDs.
Bukod dito, isusulong din ni Kuya Bong ang zero-billing, libreng gamot at Universal Health Law para sa lahat. Plano ring i-institutionalize ni Kuya Bong ang Malasakit Center. Susuriin din ni Kuya Bong kung papaano tataasan ang sweldo ng mga nurse para hindi na sila umalis ng bansa at titingnan kung paano babaguhin ang Continuing Professional Development (CPD) Law na perwisyo hindi lamang sa mga nurse kundi sa lahat ng mga propesyunal.
Sinabi naman ni Kuya Bong sa mga dumalo na dadagdagan ng gobyerno ang mga Malasakit Centers sa buong bansa. Ibinahagi rin nito na naipatayo ang Malasakit Center dahil sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at isinagawa ng Office of the Special Assistant to the President kung saan dating nanilbihan si Kuya Bong bilang Special Assistant to the President.
Hinimok naman ni Kuya Bong ang mga dumalo na suportahan ang lahat ng mga programa ng Pangulo lalo na sa 3-point program laban sa illegal drugs, korupsyon at kriminalidad. Ayon dito, galit si Tatay Digong sa tatlong salot na ito at hadlang ang mga ito sa kaunlaran ng bansa. Sa isang programa naman, nagkaroon din ng resolusyon para suportahan si Kuya Bong sa pagtakbo nito sa Senado at nagkaroon din ng oathtaking ang SAPM na nasaksihan ni Kuya Bong.
Mga kababayan, ito na ang ika-17 na Malasakit Center sa bansa na nagbibigay ng Tatak Duterte na serbisyo sa lahat ng mga Pilipino. Hindi titigil si Tatay Digong at Kuya Bong na ibigay ang nararapat na serbisyo at benepisyo para sa mga Pilipino. Hinding-hindi sila titigil sa pagtulong kaya naman suportahan natin sila lalo na si Kuya Bong para may kaakibat si Tatay Digong sa pagsulong sa mga programang magpapaunlad ng bansa. Wala itong ibang bisyo kundi ang magSERBISYO!
DAVAO CITY, Philippines — Even months before the start of the official campaign period, former special assistant to the president Christopher “Bong” Go is getting more support for his senatorial bid in next year’s midterm elections not only from individuals, but also from various groups and organizations both here in the country and among Filipinos abroad.
Senate President Vicente Sotto was among the latest government officials who expressed support for Go’s political move in next year’s polls.
Go is also among the candidates for senator that the Hugpong ng Pagbabago, led by presidential daughter and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, and its allied political parties have endorsed in the 2019 elections.
The Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) also came out with a resolution last Nov. 8 pushing for Go in the senatorial race next year.
#BongGo #Duterte #@2019elections