Bong Go Latest News: Sultan Kudarat

#BongGo #Duterte #SultanKudarat #MalasakitCenter #BongGoNaTayo #GoBongGo #TatakDuterte #HupongNgPagbabago #TapangAtMalasakitbong go malasakit sultan kudarat

Tuloy-tuloy ang Tatak Duterte na serbisyo para sa mga Pilipino dahil sa araw na ito, November 19, isa na namang Malasakit Center ang naipatayo sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan, Sultan Kudarat. Sa pangunguna ni Kuya Bong Go, nag-unveil muna ng Malasakit Center marker sa mismong ospital at napanood ni Kuya Bong ang turnover ng tseke mula sa Office of the President para sa ospital.

Ayon kay Kuya Bong, ang Malasakit Center na ito ang magbibigay ng “Serbisyong Malasakit” para sa mga taga-Sultan Kudarat na dapat lamang matanggap ng bawat Pilipino. Ang Malasakit Center ay isang one stop shop kung saan pinag-isa lahat ng ahensya ng gobyerno na makapagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pasyenteng nangangailan nito. Ang mga ahensyang tumutulong sa Malasakit Center ay ang PhilHealth, Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Dahil sa Malasakit Center, wala ng mga mahahabang pila at dokumento na kailangan ayusin. Prayoridad din ng Malasakit Center ang mga mahihirap, senior citizens at PWDs.

Bukod dito, isusulong din ni Kuya Bong ang zero-billing, libreng gamot at Universal Health Law para sa lahat. Plano ring i-institutionalize ni Kuya Bong ang Malasakit Center. Susuriin din ni Kuya Bong kung papaano tataasan ang sweldo ng mga nurse para hindi na sila umalis ng bansa at titingnan kung paano babaguhin ang Continuing Professional Development (CPD) Law na perwisyo hindi lamang sa mga nurse kundi sa lahat ng mga propesyunal.

Sinabi naman ni Kuya Bong sa mga dumalo na dadagdagan ng gobyerno ang mga Malasakit Centers sa buong bansa. Ibinahagi rin nito na naipatayo ang Malasakit Center dahil sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at isinagawa ng Office of the Special Assistant to the President kung saan dating nanilbihan si Kuya Bong bilang Special Assistant to the President.

Hinimok naman ni Kuya Bong ang mga dumalo na suportahan ang lahat ng mga programa ng Pangulo lalo na sa 3-point program laban sa illegal drugs, korupsyon at kriminalidad. Ayon dito, galit si Tatay Digong sa tatlong salot na ito at hadlang ang mga ito sa kaunlaran ng bansa. Sa isang programa naman, nagkaroon din ng resolusyon para suportahan si Kuya Bong sa pagtakbo nito sa Senado at nagkaroon din ng oathtaking ang SAPM na nasaksihan ni Kuya Bong.

Mga kababayan, ito na ang ika-17 na Malasakit Center sa bansa na nagbibigay ng Tatak Duterte na serbisyo sa lahat ng mga Pilipino. Hindi titigil si Tatay Digong at Kuya Bong na ibigay ang nararapat na serbisyo at benepisyo para sa mga Pilipino. Hinding-hindi sila titigil sa pagtulong kaya naman suportahan natin sila lalo na si Kuya Bong para may kaakibat si Tatay Digong sa pagsulong sa mga programang magpapaunlad ng bansa. Wala itong ibang bisyo kundi ang magSERBISYO!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s