Bong Go Latest News – Cotabato City

#BongGo #Duterte #SultanKudarat #MalasakitCenter #BongGoNaTayo #GoBongGo #TatakDuterte #HupongNgPagbabago #TapangAtMalasakit

Isang bagong Malasakit Center na naman ang handang magsilbi sa mga Pilipino sa pagbubukas ng bagong opisina nito sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) na pinangunahan ni Kuya Bong Go ngayong araw, November 19, sa Cotabato City.

Nagkaroon ng unveiling of marker at nagsalita rin si Kuya Bong sa harap ng lahat ng dumalo sa okasyon. Sinabi nito na ang Malasakit Center ay isang one stop shop kung saan pinag-isa na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na makapagbibigay ng medical assistance sa mga mahihirap na pasyente. Prayoridad din ng mga ito ang mga senior citizens at PWDs. Sa kanyang speech, sinabi ni Kuya Bong na titignan nito ang pagtataas sa sweldo ng mga nurse sa bansa.

Naibahagi rin nito ang kanyang legislative agenda gaya ng pag-amiyenda ng Juvenile Justice Law at mga polisiya patungkol sa housing, education, agriculture at localized peace talks upang maitaguyod ang kapayapaan sa bansa. Titignan din ni Kuya Bong ang pagtatatag ng Department of OFWs na tatayong one-stop shop para sa lahat ng mga serbisyo para sa ating OFWs.

Matapos ang programa, binisita ni Kuya Bong ang mga pasyenteng kakapanganak lang sa ward ng ospital. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil nabisita sila ni Kuya Bong at namigay naman ng konting handog si Kuya Bong sa kanila. Ang mga handog na ito ay galing sa mga kaibigan at taga-suporta ni Kuya Bong. Sinabi rin nito sa mga pasyente na mayroon nang Malasakit Center na kayang tulungan sila sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa usaping bayarin sa ospital.

Habang palabas ng ward, nakita niya ang mga nakapilang pasyente. Dito sinabi ni Kuya Bong na gagawan niya ng paraan na madagdagan ang bed capacity ng CRMC at ng mga ospital sa buong bansa lalo na kapag nahalal ito bilang senador.

Nagtungo naman si Kuya Bong sa City Hall ng Cotabato upang makapulong ang mga opisyal ng siyudad at mga barangay officials. Ibinahagi nito na malaki ang papel ng lokal na gobyerno lalo na ang mga barangay sa pagsulong ng mga programa ni Tatay Digong dahil sila ang pinakamalapit sa taumbayan.

Nang paalis naman si Kuya Bong sa Cotabato City Hall, napansin niya ang mga senior citizens na nagpupulong sa lobby at naghihintay ng kanilang monthly allowance. Hindi pinalampas ni Kuya Bong na ibahagi ang hangarin at mga benepisyo ng Malasakit Center. Sinabi rin nito kung paano nila magagamit ang mga serbisyo ng Malasakit Center.

Maraming salamat po sa mga taga-Cotabato sa kanilang mainit na pagtanggap kay Kuya Bong. Asahan po ninyong itutuloy niya ang serbisyong TATAK DUTERTE para tuluy-tuloy na rin ang ating inaasam na pagbabago!  BG MC cotabato 1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s