Parang Philippine REALITY TV ang pulitika sa ating bansa. Ito ay isang paligsahan kung sino ang mamumuno sa mahal nating BAYAN. Ilang buwan ding nagpaligoyligoy si Davao Mayor Rodrigo Duterte kung siya ba ay tatakbo o hindi bilang Pangulo sa pambansang halalan sa Mayo 2016.
Bago pa man sha opisyal na magdeklara sa kanyang hangaring tanggapin ang hamon sa pagkapresidente, lumabas ang isang Metro Manila survey kung saan siya ang nakakuha ng pinakamataas na pagsangayon sa mga sumagot ng napakahalagang tanong. Unang beses pa lang si Digong naguna bagamat hindi naman klaro ang kanyang pagpayag o pagtanggi sa laban para sa kataastaasang posisyon sa Pilipinas. Nilait ng mga kalaban nya sa pulitika ang resulta ng Pulse Asia survey. Bakit daw sa Metro Manila lang ginawa at hindi sa buong Pilipinas?
Ngunit maliwanag na ang dalawang TRAPO (TRAaditional POlitician at basahan o tagpamunas ng karumihan) na sina Bise Presidente Jejomar Binay at dating Senador Mar Roxas ay pumangatlo (si VP) at pumangapat (si Boy Bawang) lamang sapagkat si Senadora Grace Poe, na baguhan din sa pulitika ay pumangalawa (ilang buwan sha number one bago naunahan ni Duterte).
Di pa nagtatagal ang kanyang pagtakbo at nasangkot sha sa di umano’y pagmumura sa Santo Papa na mariin naman nyang tinanggi. Naplantsa naman ang gusot at nangako shang magbigay ng isang libong piso sa Davao Caritas tuwing makapagmumura sha. Tatlong libong piso na naibibigay nya mula ng gumawa sha ng pangako. Nananatili naman ang mga isyu tungkol sa human rights violations at ang kanyang inaming pambababae. May gusot din sa hindi pagsumite ni Duterte ng Certificate of Candidacy para sa pagkapangulo kaya sa SUBSTITUTION sha dadaan. Malinis na ang pagatras ni Kapitan Dino kaya malaya nang mapapalitan ng PDP-Laban ang kandidato nila kaya si Mayor Digong naman ang ideneklara nilang standard bearer.
May ilan pang mga survey na lumabas (mula sa DZRH at sa Social Weather Station) kung saan untiunting lumiliwanag na si Mayor Duterte ang napupusuan ng maraming botanteng Piipino. Maganda kasi at maayos ang pamamalakad sa Davao City (sa kalinisan at kawalan ng krimen) at maraming Pilipino ang umaasa na magagawa lahat ng ito sa buong Pilipinas. Sa isyu nalang ng pambansang katahimikan, bukod tangi na si Duterte lamang ang dinadala ng lahat ng mga nagsasagupaang pwersa sa labanan sa Mindanao (rebeldeng sundalo, NPA, MNLF, MILF, AFP at PNP) sapagkat sa kaibuturan ng kanilang mga puso ayaw naman talaga nila ng digmaan. Si Digong ang nasa kainggiting
git na posisyon kung saan maari nyang tapusin ang gera sa Mindanao na ilang dekada na ang tinatakbo.
http://balitangbalita.com/2015/12/10/netizens-bash-mar-roxas-political-ad/
http://balitangbalita.com/2015/12/03/facebook-saved-duterte-campaign/
http://balitangbalita.com/2015/11/26/duterte-tops-metro-manila-presidential-survey/
http://balitangbalita.com/2015/07/16/p-noy-jail-time-behind-palace-desperation-in-fielding-a-roxas-poe-tandem/
http://balitangbalita.com/2015/11/28/facebook-could-decide-the-next-philippine-president-in-2016-2/
LIKE LIKE LIKE —–>>>>>https://www.facebook.com/NenengBrownOFFICIAL
LIKE LIKE LIKE —–>>>>> https://www.facebook.com/Duterte-1494024704227717
Like this:
Like Loading...