Lagpas 24 na oras na ang pagtitipon ng mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo sa opisina ng Department of Justice sa Padre Faura, Maynila. Mula ng mass acton kahapon ng hapon, nagpalipas ng gabi ang mga nagpoprotesta at hindi pa rin lumilisan. Bilang patunay na tatagal pa sila sa lugar, nakakuha sila ng rally permit mula sa Lungsod Maynila na hanggang September 4, 2015 o isang linggo mula ngayon. 4,000 ang bilang ng nasa Padre Faura ngayon. Samantala, may ilang daang kapatid ng INC ang nasa mga mall sa tabi ng People Power Monument at EDSA Shrine. Sumusuporta daw sila sa mga nasa Padre Faura. Makasaysayan ang EDSA Shrine sapagkat ito ang naging sentro ng EDSA1 at EDSA2 People Power Revolution na naging sanhi ng pagbagsak ng Pamahalaang Marcos nuong 1986 at ng Pamahalaang Estrada nuong 2001. Nagkaroon din ng pagtangkang EDSA3 nuong 2001 bilang suporta sa napatalsik na Presidente Estrada ngunit hindi nagtagumpay ang pagkilos at hindi naibalik sa pagkaluklok si Erap.
Maliwanag na dahil papasok ang Pilipinas sa isang long weekend, sapagkat holiday ang Lunes, hindi madali mangakit ng sasali sa kilos protesta. Makikita dito ang dami, lakas at disiplina ng Iglesia Ni Cristo kung kakayanin nilang makalagpas ng Sabado, Linggo at Lunes na lalo pang dumarami. Sa papasok na Linggo, umaasa naman ang Iglesia ni Cristo na may sasali sa kamilang protesta mula sa hanay ng hindi nila kasamahan sa INC. Ang mga pwersang maaring umanib sa protesta ay ang Simbahang Katolika o/at ang El Shaddai na pinamumunuan ni Brother Mike Velarde. Masama ang loob ng Simbahang Katolika dahil sa pagpasa ng Reproductive Health Bill na pinaniniwalaan ng mga saradong Katoliko na labag sa Batas ng Diyos. Si Mike Velarde naman ay malapit sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo at pamilyang Manalo.
Umaasa rin ang Iglesia Ni Cristo na kapag lumawak ang partisipasyon ng mga mamamayan sa protestang INC, sasali rin ang mga tinatawag na political opposition kasama na ang mga tauhan ng mga dating Pangulong Estrada at Macapagal Arroyo. Aanyayahan din lumahok ang mga matinding kalaban ng Pamahalaang Aquino na nasa grupo ng mga makakaliwa. Kagaya ng dalawang nagtagumpay na People Power ang huling elemento na makakapagpabagsak ng kasalukuyang pamahalaan ay manggagaling mismo sa hanay ng gobyerno kung saan sa Armed Forces of the Philippines nagumpisa ang EDSA1 at kung saan naman nagtapos ang EDS2. Ngayon, ang grupong may tinatagong matinding galit laban sa pamahalaan ay nasa ilalim mismo ng ilong ni DILG Secretary Mar Roxas. Ito ay ang Philippine National Police o PNP na na under sa DILG kung saan si Roxas ang pinuno. Masama ang loob ng PNP dahil sa kapalpakan sa nangyaring trahedya sa SAF 44. Matapos namatayan ang PNP, hindi pa sila nabigyan ng parangal sa State of the Nation Address 2015. Hindi pa nagtapos sa deadma ang SAF 44, tnanggal pa ang mural nila sa sarili nilang kampo. Tapos nito, inalis pa sa listahan ng mga paparangalan ng PNP ang mga bayaning SAF.