Kasalukuyang may kilos protesta ang Iglesia ni Cristo sa Department of Justice national office. Ang mga kapatid ay nagpapahatid ng pagkadismaya sa mga kilos at imbestigasyon ni Justice Secretary Leila de Lima ukol sa nangyaring pagkatiwalag sa ilang kasapi ng pamilyang Manalo at ilang ministro ng simbahan. Ilan sa mga natiwalag ay nagsampa ng kaso laban sa pamunuan ng Iglesia kung saan isinangkot ang punong tagapangasiwa na si Eduardo Manalo. Nangangamba ang mga kapatid na maaring damputin si Eduardo batay sa sinampang serious illegal detention case kung saan WALANG PIYANSA (NO BAIL) na maaring bayaran para sa pansamantalang paglaya. Ilang political analysts ay nagpapahiwatig ng opinyon na mainit ang Administrasyong Aquino sa Iglesia ni Cristo sapagkat naniniwala si P-Noy na HINDI susuportahan ng INC ang manok ng Liberal Party na si DILG Secretary Mar Roxas na nabasbasan na ng Presidente na maging standard bearer ng LP sa halalan sa 2016 para sa Pangulo ng Pilipinas. Maari ring lumakas ang paksyon ng mga natiwalag na mga Manalo at mga ministro na magdudulot ng pagkahati sa INC kasama na ang pagkalito ng mga kapatid kung sino ang kandidatong

Kasalukuyang may kilos protesta ang mga kasapi ng INC sa Department of Justice national office ukol sa paniniwala nilang panggigipit sa kanilang simbahan at pamunuan dala ng pagkatiwalag nila sa mga miembro ng pamilyang Manalo at mga ministro.
susuportahan. Ang napili ba ni Eduardo ay dadalhin ng buong kasapian habang siya ay nakakulong o may bumoto ba sa manok ng Administrasyong Aquino na susuportahan naman ng mga tiwalag na pamilyang Manalo at mga ministro?