Bagamat maunlad ang pangkasalukuyang ekonomiya ng Pilipinas, laganap naman ang KAHIRAPAN at KAWALANG HANAP BUHAY. Kaya ang tanong ay “Saan napunta ang kayamanan na nagmula sa paglaki ng ekonomiya?” at alam naman ng nakararami na ang mga DAMBUHALANG NEGOSYANTE ang tanging nakikinabang habang ang mga PANGKARANIWANG MAMAMAYAN ay lalo pang naghihirap dahil sa taas ng PRESYO ng mga BILIHIN at BUWIS (na napupunta lang naman sa mga bulsa ng mga KURAP na PULITIKO).
Ang RAMDAM ng TAONGBAYAN na mas gipit ang buhay ngayon ang tuloy naging sigaw ni Bong Bong Marcos na mas maganda pa ang buhay nuong panahon na nanunungkulan pa ang kanyang tatay. Sinasabi nya na mas MAGANDA daw ang EKONOMIYA nuon. HINDI ITO TOTOO sapagkat ng panahon ng MARTIAL LAW maraming malalaking negosyo ang NINAKAW ni Marcos at nakulong o nangibangbansa ang mga malalaking negosyante.
Ang malungkot na balita naman ay matapos ang EDSA 1 at naibalik na ang mga kalayaan ng mga mamamayan, UMUNLAD ang pangangalakal pero hindi naman nakakatikim ang mga dukha ng biyaya ng sinasabing pagunlad dahil nga mga KKK (Kaibigan, Kaklase at Kapamilya) lang ang naaambunan ng grasya habang GUTOM at ENDO (end of contract ng mga trabahador na habang buhay ay casual o non-permanent employees) ang naging resulta ng MALAWAKANG KURAPSYON ng mga pambansang pamahalaan.