Dalawa ang focus ng war on drugs: ang pigilan ang pagkalat ng droga sa bansa at ang drug rehabilitation, pero ano-ano nga ba ang mga nagiging balakid sa war on drugs:
1) Matigas na ulo ng ilang mga drug pusher at adik. Kahit sa dami ng sumuko sa gobyerno, marami pa rin ang hindi natatakot at patuloy pa rin sa ilegal nilang gawain. Paano natin irerehabilitate ang mga ayaw sumuko?
2) Narco politicians at mga tiwaling pulis. Marami ang mga nasa gobyerno mismo na involved sa kalakaran ng droga na maaaring ginagamit nila ang kanilang posisyon upang kalabanin ang war on drugs o patahimikin ang mga magtuturo sa kanila. Isang posibilidad na hindi na tinitignan ng iba dahil tila mas pabor sa kanila ang sabihin na kagagawan ng gobyerno ang mga patayan. Ang tanong ay bakit kaya?
3) Biased media. Nakikita naman natin ang mga hindi balanseng pagbabalita ng ilang media at nahahalata na rin natin na meron silang partikular na imaheng gustong ipinta sa Pangulo at dahil dito hindi balanse ang mga balitang nakukuha natin kaugnay sa mga ginagawa ng gobyerno sa war on drugs. Dahil sa hindi balanseng pagbabalita, marami ang nabibiktima lalo na sa international community na hinuhusgahan na agad ang ating gobyerno dahil sa mga patayan ngunit hindi napapansin ang mga proyekto ng gobyerno para sa rehabilitasyon.