Sa press conference ni presumptive President Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ginanap mismo sa kanyang siyudad, ikinuwento ni Digong kung papaano nya pinaikotikot ang istorya ng sinasabing PHP 211 MILLION na ibinulgar ni Senator Sonny Trillanes. Sinabi ni Mayor Duterte na totoong may peso bank account sha sa Bank of the Philippine Islands kagaya ng ipinagsisigawan ng Senador (na dati nang nagamit sa expose laban kay VP Binay na tumakbo din sa pagkapangulo). Ang sabi ng kunwaring kinakabahang alkalde ay “slightly less than PHP 211 MILLION” lang ang pera sa naturang account. Siyempre, lahat ng mga pahayagan, radyo at telebisyon ay nagpiyesta sa nakakahilong laki na tagung pera (may sinasabi pa si Trillanes tungkol sa PHP 2.4 BILLION na mga transaction daw ni Digong bagamat walang detalyeng binigay si Sendor Sonny). Lalo namang sumaya si Trillannes sa pagamin ni Digong na totoo palang may BPI peso account sha na may bank account number na nakuha ni Trillanes. May mga malisyoso pa ngang mga kaalyado si Senador na nagdeposito sa naturang bank account. Dahil nakapangalan ang bank account number kay Mayor Duterte, tuwangtuwa ang traditional media na hulinghuli kuno sa akto si Digong. Parang telenobela, nagkasagutan pa si Trillanes at abogado ni Duterte sa Julio Vargas branch ng BPI. Sa social media naman na hawak ni Digong, bugbug sarado si Trillanes at ang manok ng Aquino Administration na si Mar Roxas sapagkat wala namang naniniwala kay Trillanes at para sa mga netizens DESPERADONG HAKBANG lang ang ginawa ni Senador para mapigilan ang PAPARATING na TAGUMPAY ni Digong.
Ang naging resulta ng malaking istorya na ito ay si Digong nalang ang naging laman ng balita sa mga huling araw ng kampanya. Kung isasama pa natin ang katatapos lang na RAPE JOKE story, NADOMINA ni Digong ang mga pahayagan, radyo at telebisyon. Siyempre, NAKALUSOT nanaman si Davao Mayor sapagkat sa papalapit na halalan, maraming botante na ang nakapagpasya na si Digong ang iboboto at hindi na sila matitinag o magpapalit ng napili ano pa man ang panibagong iksandalo ang sumabog na panira kay Digong. Ngayong siguradong panalo na si Digong na LUMALAMANG ng lagpas na ANIM NA MILYONG BOTO laban sa kanyang pinakamalapit na katunggali, nagdagdag na ng detalye si Mayor tungkol sa PHP 211 MILLION BPI bank account. Sabi nya TOTOO na may BPI bank account sha sa Julio Vargas branch. Hindi totoo na nagkaroon ang account na iyon ng PHP 211 MILLION at any given time o maski pagsamasamahin pa ang mga transaction sa maraming taon mula ng nabuksan ang account na iyon. Totoo rin na PHP 17,000 lang ang balanse ng account (kung tumaas man ito ng bahagya ay sapagkay marami ang naglagay ng PHP 500 para nga patunayan na bank account yon ni Digong base sa RESIBO ng pagkadeposito). Ngayon, kung maliit lang pala ang laman ng bank account nya, bakit sinabi ni Digong na “slightly less than PHP 211 MILLION” ang nilalaman o naging laman ng bank account nya? Halos hindi makapagpigil si Digong sa kakatawa. Sabi nya gusto nya PIGAIN ang istorya, ibig sabihin, pinahahaba ang buhay ng iskandalo para sha nalang ang pagusapan ng mga tao. Bilang pagtatapos, sabi nya na mababa naman daw ang P17,000 sa sinabi nyang “lower than PHP 211 MILLION”. Ngayon, bakit nya sinabi na “slightly lower than PHP 211 MILLION” ang PHP 17,000? Sabi nya, yun lang daw ang paraan para manabik ang mga mamamayan upang sundan pa muli ang susunod na kabanata. Magaling talaga si Mayor sa pagsulat ng SCRIPT kaya milyonmilyong mamamayan ang nagtiwala na siya ang mamuno sa ating bansa.
Bagamat hindi nya DINIRETSO na sha din ang pasimuno sa kwento para MAKURYENTE si Trillanes, makikita sa kanyang mga mata at ngiti na alam nya ang puno’t dulo ng PHP 211 MILLION story. Sapagkat madali si Senador na bumilib sa kung anoanong mapanirang balita, nalansi sha na mapaniwala na nabigyan sha ng malaking EXPOSE na ikababagsak ni Digong, yun pala KURYENTE lang ang nakuha ni Trillanes. #Trillanes #Duterte2016 #MarRoxas #President Aquino
Siya not sha, anong klaseng journalist nagsulat nito?
Agree po na ma impeach silang tatlo