Dala ng mababang pagtanggap kay Mar Roxas ng mamamayang Pilipino base sa maraming survey, kinakabahan na ang mga kaalyado ni Pangulong Aquino at kumakapit na sa patalim sa paghanap ng mas malakas na manok na makikipagsabong sa kasalukuyang Bise Presidenteng, si Jojo Binay. Ang napipisil na pumalit kay Mar Roxas bilang mamumuno ng Liberal Party ticket sa 2016 ay si Senadora Grace Poe, anak ng pumanaw na Fernando Poe Jr., Da King of Philippine Movies. Tatlo ang maaring mangyari kay Mar Roxas, bumaba sa pagtakbo sa posisyong Bise Presidente kung saan natalo na sha nuong 2010 o tuluyan nang hindi tumakbo sa posisyong Presidente o Bise Presidente. Ang pangatlong sitwasyon ay kung saan si Grace Poe at Mar Roxas at parehong tatakbo bilang Presidente at kakalabanin si Jojo Binay. Dito sa pangyayaring ito, mahahati at magwawatakwatak ang Liberal Party kung saan ang mga loyalista at panatiko ng LP ay susuporta kay Mar Roxas, samantala ang mga practikal naman sa hanay nila ay maghahangad kumampi sa may mas malakas na tsansa na magwagi sa eleksyon laban sa nangungunang Binay at ito ay si Grace Poe. Abangan. Sa Oktubre na po ang filing of the certificate of candidacy. Sa Mayo 2016 naman ang pambansang halalan. Si Chiz Escudero bilang bise Presidente po ang gustong katambal ni Grace Poe.