Kaya naman pala todo depensa ang National Union of Journalists of the Philippines sa ABS CBN at Philippine Daily Inquirer na parehong muling binanatan ni Pangulong Digong dahil sa BIASED reporting ay sapagkat yun palang NUJP ay DOMINADO ng mga tauhan ng dalawang inupakang media outlets. Diba dapat, in the interest of FULL DISCLOSURE, ay sinabi itong mahalagang impormasyon na ito bago binasa ng NUJP ang kanilang pahayag. Ngayon lumalabas na ang NUJP pala ay may CONFLICT of INTEREST SITUATION sapagkat pinangangalagaan nito ang kapakanan ng mga kumpanyang pinagtatrabahuhan ng mga opisyal ng NUJP. So saan naman maaring magpadala ng COMPLAINT laban sa NUJP para sa UNETHICAL CONDUCT? Ang magiging resulta sa paglabas ng balitang ito ay lalong mapapaniwala ang taumbayan na tunay na BIASED ang mainstream media (ABS CBN at Inquirer among many others) at ginagamit pa nito ang mga samahan o organisasyon kagaya ng NUJP para protektahan ang mga pangnegosyong interes ng dalawang media outlets na nabanggit. Sa halip na imbestigahan ng NUJP ang mga paratang ni Pangulong Digong, todo bilis sila sa pagpanig sa dalawang naupakan. Batid naman ng lahat na mayroon nang PANDAIGDIGANG pagbawas sa mga bumabasa ng mga PRINTED NEWSPAPERS dahil sa cell phone, laptop at personal computer na nakakakuha ng balita ang maraming mamamayan. Umuunti na ang bumibil ng pahayagan at umaasa sa radyo at telebisyon para makakuha ng nagbabagang balita. Malagim na ang kinabukasan ng mga pahayagan dahil sa pangangailangan ng INSTANT NEWS eh ang mga printed newspapers ay sa umaga (o hapon) lang lumalabas kaya laging nauunahan ng internet at social media ang pagkalat ng balita sapagkat 24 hours a day ang serbisyo ng mga makabagong tagapamalitang ito.