Duterte: PhilWeb ni Ongpin NAWALAN na ng PHP 22 BILYON

Bad News: Bumagsak sa PHP 6 BILYON mula sa PHP 35 BILYON ang PhilWeb   Good News: Bahagyang nakabawi at nasa PHP 13 BILYON na ngayonphilweb p ongpin

Mula sa PHP 35 BILYONG market valuation (PHP 27.57 per share) nuong February 5, 2016 ang PhilWeb ay nalagasan na ng BILYONBILYONG PISO mula ng ang mayari nitong si Roberto Ongpin ay pinangalanan na isang OLIGARCH ni Pangulong Duterte. Ang OLIGARCH ay isang taong ginagamit ang kanyang KUNEKSYON (influence peddling) sa pamahalaan para maisulong ang kanyang pansariling kapakanan. Malimit na ang pamamaraan nito ay ang pagkuha ng PABORABLENG prankisa, utang, lisensha at iba pang mga bagay kung saan ang gobyerno ang kliyente/magbabayad o ang pangkaraniwang mamamayan ang igigisa sa sariling mantika. Ang pinakakilalang mga hanaybuhay na pinapasok ng mga OLIGARCH ay ang tinatawag na basic services (kalsada, kuryente, tubig, transportasyon, langis at iba pa). Kasama din sa malalaking tubo ay ang industriya ng PASUGALAN kung saan ang PhilWeb ang napaboran ng PAGCOR para sa internet services. Galit si Digong sa ONLINE GAMBLING kaya mula PHP 35 BILLION, ngayon ay 13 BILLION nalang ang halaga ng PhilWeb. Ang good news dito ay bumagsak na sa PHP 6 Billion ito sa merkado pero nagabangon sa PHP 9 BILLION at ngayon ay PHP 13 BILLION.  Si Roberto Ongpin ay mayari ng 771.1 MILLION shares ng PhilWeb na lagpas na kalahati (53.76%) ng buong kumpanya.

Nagbitiw na si Ongpin at ang anak nya sa pamumuno ng kumpanya para sana hindi tuluyang mawala ang kontrata ng PhilWeb sa PAGCOR ngunit hindi natinag ang pamahalaan at tinanggalan ng lisensha ang PhilWeb para makapagpatakbo ng mga online casino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s