Napawalang sala ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa bintang na PLUNDER o PANDARAMBONG ng pera ng intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang nagsampa ng kaso ay ang Ombudsman na nilitis naman sa Sandiganbayan. Ang GUILTY VERDICT ay inapela sa Korte Suprema kung saan binagyan naman si GMA ng NOT GUILTY decision. Napalaya tuloy si GMA mula sa kaniyang HOSPITAL ARREST ng apat na taon. Hindi sinabi ng Katatastaasang Hukuman kung mayroon o walang krimen na naganap. Hindi rin nabanggit kung mayroong nagnakaw ng pera o kung sino ang nakinabang sa PERANG NINAKAW. Ang sinabi lang nila ay kulang daw ang katibayan na naibigay para mapatunayan na si GMA ay nagkasala. Ang botohan ay 11 – 4 pabor sa dating Pangulo. Yung 11 ay LAHAT mga naitalaga sa Korte Suprema sapagkat si GMA ang naglagay sa kanila doon. Sa apat namang kumontra na mapawalang sala si GMA, 3 ay naitalaga ni dating Presidente Aquino habang isa, si Senior Associate Justice Carpio ang kaisaisang Arroyo nominee ang nagsabing nagkasala si GMA sa PANDARAMBONG. Maliwanag na UTANG na LOOB ang pangunahing dahilan kung bakit nakalaya si Ate Glo at isang malagim na pangyayari ito sa kasaysayan ng KATARUNGAN sa Pilipinas. #GloriaMacapagal Arroyo #Plunder #NoynoyAquino
Eto po ang sabi ng Ombudsman –
In a press conference last Wednesday, July 20, Ombudsman Conchita Carpio Morales expressed her disappointment over the SC’s ruling. A retired SC justice herself, Morales said that there was ample evidence presented by the Office of the Prosecutor to prove that the plunder charges against Macapagal-Arroyo are true.
“We are able to present strong evidence of 630 plus documentary exhibits, testimony of so many witnesses…as well as 40 plus folder records of the case,” Morales said in a report by the Inquirer. “To us these are exhaustive records which reflect that the prosecution was able to prove [guilt] beyond reasonable doubt.”