Kidapawan Dispersal – Insensitive and Stupid Governor

Matapos ang madugong (at least 3 patay) pagbubuwag na ginawa ng Philippine National Police sa nagtitipong magsasaka sa Kidapawan, eto naman ang North Cotabato Governor na si Lala Mendoza na nagsasabing BAWAL daw magdala ng tulong na PAGKAIN sa mga magsasaka na kaya nga nagtipontipon ng ilang araw ay dahil sa matinding PAGKAGUTOM dala ng tagtuyo o El Nino. Ilang buwan nang walang ulan sa lugar nila kaya nagkamatayan na ang mga tanim na nagresulta tuloy sa walang makain ang mga tao doon. Humihingi sila ng tulong para makapaglabas ng libreng bigas at ipamahagi ito sa mga nasalanta. Ilang buwan nang nasa STATE of CALAMITY ang mga apektadong lugar ngunit WALANG AYUDANG naibigay ang panglungsod o panglalawigang pamahalaan. Nahaluan ng PULITIKA ang pangyayari sapagkat nakatakdang dumating ang pambato ng Administrasyong si Mar Roxas na tumatakbo bilang Pangulo. Malimit si dating Senador Mar Roxas ay nagbibigay ng BIGAS at DELATA (mula sa mga pambansang kagarawan) sa kanyang mga CAMPAIGN SORTIES. Ang kalaban naman ni Mar na si Davao City Mayor Rordrigo Duterte ay tumatanggap ng mga donasyong bigas at iba pang pagkain para naman ipamigay sa mga nangangailangan sa North Cotabato. MANHID at ISTUPIDO talaga si Governor Mendoza sapagkat nuong nangangailangan ang mga magsasaka, PINAGKAIT nya ang tulong na maari naman niyang naibigay. Ngayon namang nagkamatayan na at nailagay sa pambansang balita ang pangyayari, NAIINSULTO naman sha sa tulong mula sa labas ng kanyang probinsha. Sa madaling salita, may BIGAS naman shang maaring naipamahagi, AYAW LANG NYA IUTOS ILABAS (noong bago magkagulo). Tila NAPUPULITIKA ni Gov ang BUHAY ng mga MAHIHIRAP at PANGKARANIWNG MAMAMAYAN kung saan hawak niya ang DESISYON kung kailan sila MAKAKAKAIN o hindi. Grabe na ito. Yan ba ang PANINILBIHANG PAMPUBLIKO o SERBISYONG BAYAN? Ang mga GUTOM ay mapapakain pa ngunit ang mga BUHAY na NASAWI ay hindi na maibabalik pa kaya ang mga tagapamuno ang dapat MANAGOT.

 

Picture capture has a grammatical error. Instead of donating rice FROM the victims, it should read as donating rice TO the victims.

kidapawan donations

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s