Tibagin ang Torre De Manila para mabigyan ng leksyon ang mga developers

Matigas din ang ulo ng developers (DMCI) ng Torre De Manila. Mababa pa lang ang pagkakatayo ng gusaling PHOTOBOMBER kay Jose Rizal, iginit nila ang sabi nilang tamang proseso ng kanilang pagtatayo. Kung tinigil muna nila ang paggawa ng istruktura sa pampitong palapag (yan ang zoning sa lugar na iyon) at nagintay ng paglilinaw eh de hindi sana napunta sa isang sitwasyon kung saan mataas na ang gusali kung saan napatigil naman ngayon. Pero alam naman nating lahat na kaya nga NIRATSADA ang pagpapataas ng gusali ay para naman masabi na HINDI na PWEDENG PIGILAN kasi masyado nang mataas

Rizal Monument photobomber DMCI Torre de Manila

Rizal Monument photobomber DMCI Torre de Manila

. Eh ngayon andyan na ang utos mula sa Korte Suprema na tigil pagtatayo muna sila. Kung sakaling matalo na ang DMCI at ipagutos ng Korte Suprema na tibagin ang gusali, magiging masakit (at magastos din) na aral yan para sa mga developers na parang walang pakundangang lumalabag sa mga batas at ordinansya sapagkat handa silang magbayad sa mga regulatory agencies at local government units. MAGKANO kaya ang perang lumabas na sa DMCI upang IPANGLAGAY sa mga tauhan ng pamahalaan at Lungsod ng Maynila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s