Security Bank ATM hacking: Bangko naglabas ng babala, pero deadma sa nangyaring ATM hacking. Para hindi naman sabihing walang paki ang Security Bank sa seguridad ng deposito ng mga kliyente nila, naglabas ang naturang bangko ng babala sa mga ATM users nila. Pinagmalaki nila na mataas ang antas ng proteksyon ng bangko sa kanilang mga ATM. Sa unang pagbasa parang tunay na protektado ang pera ng kanilang mga depositor. Hindi lang nabanggit na nuong lumabas ang nasabing babala, NAHACK na ang kanilang mga ATM. Sa mga mamamayang depositor at nagbabalak palang maging mga depositor ng Security Bank, ipagtitiwala nyo ba ang perang pinaghirapan ninyo sa bangkong hindi man lang makuhang magsabi ng totoo? Kung sabi nilang HIGHLY SECURED ang mga ATM nila, papaano sila NAHACK? Reported ATM disputes pa ang ginamit nilang mga kataga, hindi kasi nilang masabi ang katagang HACKED. Kapag REPORTED ang ginamit na pananalita, ibig sabihin hindi pa sila sigurado na totoong NAHACK sila. Sinungaling. Alam na nila na NAHACK sila, alam na rin natin. Lalo ilang itago ang katotohanan, lalo pang hahaba ang kwento. Kung nagsabi sila ng TOTOO nuong una pa, eh de natuldukan na ang istorya. Dapat, by this time, nakaMOVE ON na sila.