Security Bank: ATM Hacking – alam na ng management, hindi pa inabisuhan ang mga kliyente kaya mas marami pa ang nanakawan. Minabuting itago ng Security Bank management ang paunang impormasyon para hindi kumalat ang mapanirang balita. Sa ganoong pangyayari, mas marami pa tuloy ang mga kliyente nilang nilimas ang mga deposito sa pamamagitan ng CLONED ATM cards at CAPTURED PIN. Nagpiyesta ang mga hacker sapagkat na MAX OUT ang mga kliyente ng bangko ng halagang PHP 40,000 (ang maximun limit ng withdrawal sa isang araw). Yung mas may kaya sa buhay na mga kliyente ay nabalikan pa muli ang kanitang mga deposito at nakunan ulit ng PHP 40,000. May ilang kliyente ring nakunan ng PHP 120,000 sa kabuuan (tatlong balik). Masama ang loob ng mga CORPORATE CLIENTS ng banko sapagkat kung nasabihan lang sila sa unang pagatake ng mga hackers, hindi na muna sila naglagay ng pera sa mga ACCOUNTS ng mga nasa ilalim nila para mabigyan ang mga empleyado ng pagkakataon ng maBLOCK ang mga ATM ACCOUNTS nila. Katawatawa na binigyan pa ng bangko ng mas mabigat na importansha ang kanilang CORPORATE IMAGE sa halip na pangalagaan ang pera at kapakanan ng kanilang mga kliyente.Sa Security Bank advertisement sinabi ng endorser nilang si Megan Young (Miss World 2013) na siya raw ay nasa tamang relasyon sa kaniyang pinagbabangkohan. Mukhang hindi naman ito masasabi ng mga kliyenteng hindi naman nabigyan ng tamang abiso, sa tamang oras.