Manila (Best CEO) pinupuri, Quezon City (Worst CEO) napagiiwanan

Kulelat ang Quezon City sa kagalingan ng mga batang NCR LGU Chief Executives. Puro papruri kina Isko Moreno, Vico Sotto at Abby Binay. Eto ang isang hinaing ng pasyente. Sana mapaganda ang pagpapalakad ng Novaliches Disistrict Hospital. 
*************ndh db
 
Angel DB
July 7 at 6:13 PM ·
NOVALICHES DISTRICT HOSPITAL
July 7, 2019
1:15PM – We went to the ER
Me: Good Afternoon po, Maam. May pasyente po ako.
Nurse: Empleyado ka dito?
Me: Dati po.
Nurse: Kilala mo kung sino ako?
Me: Nurse po. (Di ko sya kilala. Alam ko lang nurse sya dahil sa suot nya)
Nurse: Sa susunod ha magpapakilala ka. Ako kilala mo, ikaw hindi ko kilala. (Very aggressive) Tignan mo to (talking to other nurses) kilala nya ako pero di ko sya kilala. (All of them laugh)
 
Nurse: Oh eto, magpalista ka muna!
 
Nagpalista ako sa Admitting.
 
Me: Eto na po. (Handing the pt record)
Nurse: 2PM pa si Doc. Maghintay kayo.
Me: Sa labas nalang po kami maghihintay. (Kesa dito lalo lang ako maiinis)
 
And I was like…. WTF! 2PM? Totoo? Ni hindi mo man lang kinuhaan ng VS ang Daddy ko. Ni hindi mo man lang kinamusta anong pakiramdam nya. Diba SOP yun sa bawat pt na darating sa ER? Or even magpa check up ka sa clinic, VITAL SIGNS muna. I know the process, because I am a Nurse! Pero di ko na yun kelangan pa sabihin.
 
OK sge, we will just wait for the doctor referred by Dr. Favor. (I need to call her dahil walang matinong nag asikaso smin sa ER)
 
I’m looking for the on-duty MDs. Both sitting. Girl MD talking out loud regarding plantilla items, in short, puro chismis. Di man lang tignan mga pasyente.
 
So totoo nga, di ka aasikasuhin sa government hospital. Mamamatay ka kapag wala kang pera. Kung di pa ako ni-refer ni Dr. Favor, di kami maasikaso.
 
Salamat kay Dr. Garcia & Dr. Benjie na kahit hindi nya duty, nag rounds sya for my Dad. Kundi po dahil sa inyo, maghihintay kami ng matagal at malamang hindi kami maasikaso.
 
Just my two cents:
Hindi ko po kelangan magpakilala kung sino ako. Dapat nga ikaw ang magpakilala dahil ang first step is to greet the patient and to introduce yourself. Nag iba na ba ng process? O matagal na akong graduate? Hindi rin mahalaga kung empleyado ako ng hospital o hindi. Dapat PANTAY-PANTAY ang pagtingin nyo sa LAHAT ng pasyente. Mayaman o mahirap. May kapit o wala. At lalong hindi na kelangan magpakilala ng magulang ko na parehong GOVERNMENT EMPLOYEE. Hindi yun kelangan pang sabihin para asikasuhin mo sila. Basta nagpa ER, kelangan ng medical attention!
 
Nakakalungkot. Sana yung gobyerno naman natin ayusin ang trabaho nila. Nakakahiya. Kelangan pala malakas ako para asikasihun nyo. Kala ko sabi ni Mayor, wala ng endorsement. Hindi to totoo sa NDH. Kelangan may PADRINO ka para maasikaso at di mawalan ng trabaho.
 
Hayaan mo sa susunod, sasabihin ko na galing ako sa OFFICE OF THE PRESIDENT. Para ayusin nyo serbisyo nyo!
 
Nasan ang puso ng isang public servant? Ganito ba ang gusto nyong tao sa gobyerno? Attn: MayorJoyBelmonte
 
Nakakahiya. Ako nagbida na maayos na ang NDH. Bumalik na naman pala sa bulok na sistema. Pwe!
 
Attn: NDH
Attn: NovalichesDistrictHospital
Attn: PresidentDuterte

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s